Dating sumuko sa Oplan Tokhang patay sa pamamaril sa Negros Oriental

By Jimmy Tamayo November 07, 2019 - 10:09 AM

Patay ang isang drug suspect na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP) makaraang pagbabarilin sa Barangay Basak sa bayan ng Zamboanguita, Negros Oriental.

Kinilala ng Negros Oriental Provincial Police Office ang nasawi na si John Celso Ferrero na residente ng Barangay Poblacion sa naturang bayan.

Ang insidente ng pamamaril ay agad na inireport sa himpilan ng pulis pero hindi na inabutan ang mga suspek at natagpuan na nakabulagta na ang biktima na may tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nabatid na nakasakay sa motorsiklo ang mga suspek sa pamamaril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.

TAGS: ambush, drug suspect, Negros Oriental, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanguita, ambush, drug suspect, Negros Oriental, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Zamboanguita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.