Hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf naaresto sa Sulu; 16 na pipe bombs nakumpiska
Isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf ang naaresto sa Indanan, Sulu sa ikinasang follow-up operation ng mga otoridad.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Mang” na matapos madakip ay kinumpirma sa mga otoridad na may mga pampasabog sa isang safehouse sa Barangay Paligue.
Nang puntahan ng mga sundalo ay nakita sa safehouse ang aabot sa 16 na pipe bombs.
Ang operasyon ay follow up sa nangyaring engkwentro sa Indanan na ikinasawi ng dalawang dayuhan at isang local na terorista sa Barangay Kan Islam.
Binati naman ni Lieutenant General Macairog Alberto, commander ng Philippine Army ang Joint Task Force Sulu sa tagumpay na counterterrorism efforts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.