Halos 40,000 biktima ng lindol sa Regions 11 at 12 nananatili sa evacuation centers

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2019 - 09:34 AM

Aabot pa sa 8,265 na pamilya o katumbas ng 39,128 na indbidwal ang nananatili sa mga evacuation center sa Regions 11 at 12.

Sa update mula sa Department of Social Welfare and Development, ang nasabing bilang ay nasa 47 evacuation centers sa Davao Del Sur at North Cotabato.

Maliban dito, mayroong 8,789 na pamilya o 43,945 na katao ang pansamantala namang nakikitira sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Sa datos ng DSWD, umabot sa 50,930 na pamilya o 254,473 na indibidwal ang naapektuhan ng magkakasunod na pagyanig sa 274 na barangay sa dalawang rehiyon sa Mindanao.

Nakapagtala ang DSWD ng 34,523 na napinsalang mga bahay – sa nasabing bilang, 22,559 ang totally damaged habang 11,964 ang partially damaged.

Ayon sa DSWD, nakapag-abot na ng P22.6 million na halaga ng tulong ang pamahalaan sa mga naapektuhang pamilya.

TAGS: Davao del Sur, evacuees, Mindanao Quake, North Cotabato, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, regions 11 and 12, Tagalog breaking news, tagalog news website, Davao del Sur, evacuees, Mindanao Quake, North Cotabato, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, regions 11 and 12, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.