LOOK: Maraming kalsada sa mga bayan sa Cagayan hindi pa rin madaanan

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2019 - 09:22 AM

Marami pang kalsada sa ilang mga bayan sa Cagayan ang hindi pa rin madaanan dahil sa tubig-baha.

Ilang araw nang inuulan ang maraming mga bayan sa Cagayan.

Sa update mula sa Cagayan Provincial Information Office, alas 7:06 AM ng Huwebes, November 7 ang Bulo-Gagaddangan Road sa bayan ng Allacapan ay nananatiling hindi passable sa lahat ng uri ng mga sasakyan.

Hindi pa rin nadaraanan ng mga motorista ang Daan-ili – Pacac Road sa nasabi ring bayan.

Habang sa Baggao, Cagayan, ang Abusag Bridge ay lubog pa rin sa tubig baha.

Kailangan ding linisin ang nasabing tulay dahil sa mga putik na naiwan bunsod ng pagbaha.

Maliban sa Allacapan ay Baggao, apektado rin ng pagbaha ang mga bayan ng Piat, Sanchez Mira, Lasam at Pamplona.

TAGS: Allacapan, Baggao, Cagayan, Lasam, Pamplona, PH news, Philippine breaking news, Piat, Radyo Inquirer, Sanchez Mira, Tagalog breaking news, tagalog news website, Allacapan, Baggao, Cagayan, Lasam, Pamplona, PH news, Philippine breaking news, Piat, Radyo Inquirer, Sanchez Mira, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.