Bagong kanta ng namapayang singer na si George Michael inilabas ng Universal Music

By Jimmy Tamayo November 07, 2019 - 09:04 AM SHARE(S):

Higit tatlong taon mula nang sumakabilang buhay si George Michael, inilabas ng record company na Universal Music Group/Island Records ang bagong kanta ng namayapang British singer.

Ang kanta ay may pamagat na “This Is How (We Want You To Get High)” na kasama sa soundtrack para sa pelikulang “Last Christmas” na hango naman sa awitin ni Michael.

Sa isang statement, sinabi ng longtime manager ni Michael na si David Austin na ang nasabing kanta ay maagang regalo nila sa publiko at mga fans ng singer.

“This new track we proudly send as his gift to you this season to bring you all love and festive joy…Whoever you worship…Whoever you love…” ayon sa statement.

Ayon sa impormasyon, ang naturang kanta ay kabilang sa mga huling recording sessions ng 53-anyos na singer noon pang 2012 bago siya matagpuang patay sa kanyang bahay noong December 25, 2016.

Ang soundtrack ng “Last Christmas” ay nakatakdang ilabas sa Biyernes (Nov. 8) kung saan tampok ang tatlong pinasikat na awit ng dating grupo ni Michael na Wham! At 12 kanta nito bilang solo artista.

Ang “Last Christmas” ay isang romantic comedy na ilalabas sa mga sinehan sa U.S. simula Novermber 8 at November 15 naman sa U.K.

Tampok sa pelikula sina Emilia Clarke ng “Game of Thrones” at ang “Crazy Rich Asians” actor na si Henry Golding.

TAGS: George Michael, Last Christmas, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, This Is How (We Want You To Get High), Universal Music, George Michael, Last Christmas, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, This Is How (We Want You To Get High), Universal Music

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.