Suspected suicide bomber nahuli sa Malaysia

By Den Macaranas January 16, 2016 - 05:18 PM

ISIS Malaysia
AP Photo

Inaresto ng mga otoridad sa Kuala Lumpur, Malaysia ang isang 28-anyos na lalaki na sinasabing miyembro ng ISIS malapit sa Petronas Tower sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa kanyang pahayag sinabi ni Inspector-General Khalid Abu Bakar na nahuli ang nasabing hindi pinangalanang suspect habang umaaligid sa Jelatik Train Station na ilang metro lamang ang layo sa Petronas.

Nakuha mula sa naturang suspect ang isang patalim ang ilang mga dokumento na iniuugnay sa ISIS.

Sa ginawang interogasyon ng mga otoridad ay inamin ng nasabing suspect na isa siyang suicide bomber at balak maghasik ng kaguluhan sa sentro ng Kuala Lumpur.

Nauna dito ay naghigpit ng seguridad ang nasabing bansa makaraan ang naganap na terror attack sa Jakarta Indonesia kamakalawa.

Noong January 11 ay tatlong kalalakihang galing sa bansang Turkey ang inaresto ng Malaysian authorities dahil sa pagdadala ng mga ISIS propaganda sa nasabing bansa.

TAGS: ISIS, Kuala Lumpur, Malaysia, Petronas, ISIS, Kuala Lumpur, Malaysia, Petronas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.