Radio broadcaster sa Dumaguete City patay sa pananambang

Patay makaraang tambangan ang isang radio broadcaster sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Dumaguete City police, tinadtad ng bala ang kotseng sinasakyan ng biktimang si Dindo Generoso.

Si Generoso ay broadcaster at blocktimer sa DYSR FM sa Dumaguete City.

Galing sa kaniyang bahay at papuntang radio station para sa kaniyang programa ang biktima Huwebes (Nov. 7) ng umaga nang maganap ang pananambang.

Patuloy pang inaalam kung ano ang motibo sa pananambang at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ang biktima ay kumandidato bilang mayor sa Dumaguete City noong 2016 elections.

Read more...