3,000 bagong bodyguards position para sa mga huwes isinusulong sa Kamara

By Erwin Aguilon November 07, 2019 - 08:44 AM

Matapos ang panibagong akso ng pagpatay sa isang hukom, nais ni Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang pagbuo ng 3,000 bagong posisyon para mabigyan ng bodguards ang mga Judges.

Ayon kay Pimentel, kailangan ng mga huwes ngayong ang matinding proteksyon lalo na at patuloy ang pagtaas ng karahasan laban sa kanila.

Ang hakbang ng kongresista ay bunsod sa panibagong insidente ng pagpatay kay Tagudin, Ilocos Sur Regional Trial Court (RTC) Branch 25 Judge Mario Anacleto Banez.

Si Baniez ,54 ay tinambangan ng hindi kilalang mga suspek noong Martes ng hapon habang papapuwi sakay ng kanyang Hyundai Accent sa Barangay Mameltac, San Fernando City, La Union.

Sinusuportahan din ni Pimentel ang hakbang ni Chief Justice Diosdado Peralta na magtatatag ng bagong protective service pattern tulad ng sa Unites States Marshals Services (USMS) Judicial Security Division (JSD).

Ang USMS -JSD ang siyang nagbibigay proteksyon sa mga Huwes at Mahistrado, nagbabantay samga court proceedings at conferences at nagbabantay sa mga gusali at ari-arian na ginagamit ng mga miyembro ng Hudikatura.

Ang nasabing dibisyon din umano ang magsasagawa ng “protective investigations” sa mga mayroong security threats sa lahat ng miyembro ng Hudikatura.

TAGS: additional security for judges, Judicial Security Division, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, Tagalog breaking news, tagalog news website, Unites States Marshals Services, additional security for judges, Judicial Security Division, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, Tagalog breaking news, tagalog news website, Unites States Marshals Services

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.