Base sa ginawang pagsisiyasat ng Sumitomo-MHI-TESP, ang naging dahilan ng usok ay short circuit sa isang traction motors ng tren.
Nakitaan din ng mataas na daloy ng kuryente ang apektadong bahagi ng tren dahilan para masira ang electrical box at mga katabi nitong parte.
Ayon sa MRT-3 upang maiwasan nang maulit ang nasabing insidente ay may ipinatutupad na silang mga hakbang.
Kabilang dito ang paglilinis sa lahat ng electrical boxes ng tren, bus bars, connecting plates, main choppers, at mga adjacent part.
Umapela ng pang-unawa ang MRT-3 sa publiko.
Ayon sa MRT-3 ginagawa nila ang lahat katuwang ang Sumitomo para mabigyan ng ligtas na biyahe ang mga pasahero.