Short circuit sa traction motors, dahilan ng usok sa tren ng MRT-3 noong Nov. 4

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2019 - 08:32 AM

Inilabas na ng Metro Rail Transit – 3 ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa insidente ng smoke emission sa isa nilang tren noong November 4 sa Santilan Station (Northbound).

Base sa ginawang pagsisiyasat ng Sumitomo-MHI-TESP, ang naging dahilan ng usok ay short circuit sa isang traction motors ng tren.

Nakitaan din ng mataas na daloy ng kuryente ang apektadong bahagi ng tren dahilan para masira ang electrical box at mga katabi nitong parte.

Ayon sa MRT-3 upang maiwasan nang maulit ang nasabing insidente ay may ipinatutupad na silang mga hakbang.

Kabilang dito ang paglilinis sa lahat ng electrical boxes ng tren, bus bars, connecting plates, main choppers, at mga adjacent part.

Umapela ng pang-unawa ang MRT-3 sa publiko.

Ayon sa MRT-3 ginagawa nila ang lahat katuwang ang Sumitomo para mabigyan ng ligtas na biyahe ang mga pasahero.

TAGS: MRT 3, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, short circuit, smoke emission, Tagalog breaking news, tagalog news website, traction motors, MRT 3, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, short circuit, smoke emission, Tagalog breaking news, tagalog news website, traction motors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.