Ang pelikula na kalahok sa Cinema One Originals Film Festival at nakatakdang magsimula araw ng Huwebes (Nov. 7) ay tumatalakay sa isang teenager na ipinanganak na mayroong ari ng lalaki at babae.
Isa itong kundisyon na kung tawagin ay Intersex na kinokonsiderang “abnormal” at kadalasang tinatawag na “freaks.”
Sa kanilang desisyon sinabi ng MTRCB na “”not suitable for public exhibition” ang pelikula dahil sa mga “sexually explicit scenes.”
Inaatasan din nito ang bumubuo sa pelikula na alisin ang maseselang eksena kung nais na mailabas sa publiko.
Samantala, ipinagtanggol ng direktor ng “Metamorphosis” na si Jose Tiglao ang tinutukoy na mga eksena.
Sa kanyang Facebook post araw ng Miyerkules (Nov. 6) sinabi ni Tiglao na nais lamang niyang maipakita ang pagkatao at pinagdadaanan ng mga tao na mayroong ganitong kundisyon.
“Ang mga eksenang ito ay hindi lamang purong kalibugan. Ito ay pagpapakita ng kanilang pagkatao, ng kanilang sexual desires, ng kanilang pagkalito at pagkabigo– mga bagay na pinagdadaanan nating LAHAT, intersex man o hindi, “ayon sa post.
“Ang mga eksenang ito ay paghahayag na sila din ay mga TAO. Na walang mali sa kanila. Na sila ay normal. They are beautiful as they are.” Dagdag pa ni Tiglao.
Araw ng Miyerkules ay nakatakdang humarap si Tiglao sa MTRCB para iapela ang naturang desisyon.