LOOK: Larawan ng apat na persons of interest sa pagpatay sa empleyado ng DOLE sa Maynila inilabas ng MPD

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2019 - 07:37 AM

Inilabas na ng Manila Police District (MPD) ang mga larawan ng apat na persons of interest sa pagpatay sa empleyado ng Department of Labor and Employment (DOLE) na si Helen Dacanay noong November 4.

Sa mga larawan na kuha mula sa CCTV sa lugar na pinangyarihan ng insidente, apat ang natukoy ng MPD na posibleng may kinalaman o kaugnayan sa krimen.

Ang unang person of interest ay backrider sa isa sa mga motorsiklong ginamit ng mga suspek habang ang isa ay driver ng motortsiklo.

Isang nakakulay pulang polo shirt naman at maysuot na backpack ang nakuhanan din na ayon sa MPD ay nagsilbing ‘pointer’.

Habang ang ikaapat na person of interest ay back-up rider ng motorsiklong ginamit na getaway vehicle.

Ayon kay MPD chief Brig. Gen. Bernabe Balba, inaalam na nila ngayon ang pagkakakilanlan ng apat na persons of interest.

Kasabay nito ay umapela ang MPD sa publiko na ipagbigay-alam sa mga otoridad kung sakaling kilala o nakita ang apat.

Anumang impormasyon ay maaring itawag o itext sa binuong task group Dacanay sa mga numerong 09260643297 at 09393248633.

TAGS: dole employee, Helen Dacanay, manila police, Manila Police District, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, dole employee, Helen Dacanay, manila police, Manila Police District, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.