Hijack alarm aksidenteng na-activate ng piloto sa Amsterdam airport; nagdulot ng panic

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2019 - 07:06 AM SHARE(S):

Aksidenteng na-activate ng isang piloto ng eroplano ang hijack alarm sa Schiphol airport sa Amsterdam.

Dahil sa aksidenteng pag-activate sa hijack alarm pinalibutan ng emergency vehicles ang eroplano.

Maging ang Dutch Royal Military Police ay agad naalerto at sinabing iniimbestigahan nila ang sitwasyon sa paliparan.

27 ang pasahero ng naturang eroplano.

Humingi naman ng paumanhin ang Air Europa dahil sa insidente na nangyari sa eroplano nila galing Madrid.

Tiniyak ng airline company na walang anumang nangyari sa loob ng eroplano at ligtas ang mga pasahero.

TAGS: air europa, airline, Amsterdam, Dutch Royal Military Police, hijack alarm, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Schiphol airport, Tagalog breaking news, tagalog news website, air europa, airline, Amsterdam, Dutch Royal Military Police, hijack alarm, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Schiphol airport, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.