Asawa ni ISIS leader Abu Bakr al-Baghdadi kulong sa Turkey
Inanunsyo ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan araw ng Miyerkules ang pagkakahuli sa asawa ng napaslang na si ISIS leader Abu Bakr al-Baghdadi.
Ito ay halos higit isang linggo lamang matapos mapatay ang terorista sa raid na ikinasa ng US special forces.
Pinaniniwalaang apat ang asawa ni al-Baghdadi, bagay na pinapayagan sa ilalim ng Islamic law.
Una nang inanunsyo ni US Secretary of State Mike Pompeo na dalawa sa asawa ni al-Baghdadi ang napatay sa raid.
Sa talumpati sa Ankara University, sinabi ni Erdogan na nahuli nila ang isang asawa nito, maging ang kapatid na babae at brother-in-law sa Syria.
“The United States said Baghdadi killed himself in a tunnel. They started a communication campaign about this. But, I am announcing it here for the first time: we captured his wife and didn’t make a fuss like them. Similarly, we also captured his sister and brother-in-law in Syria,” ani Erdogan.
Napaulat na naganap ang pag-aresto araw ng Lunes sa bahagi ng Aleppo province na nasa hurisdiksyon ng Turkey.
Ang kapatid na babae ni al-Baghdadi ay nakilalang si Rasmiya Awad at hinihinala ring may kaugnayan sa ISIS.
Itinuturing ngayong ‘gold mine’ ang pagkakaaresto kay Awad at halimbawa umano ito ng matagumpay na counter-terrorism operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.