Mayor Isko mapapanood sa pelikula ni Coco Martin sa MMFF 2019

By Rhommel Balasbas November 07, 2019 - 05:51 AM

Nagbabalik-showbiz at mapapanood muli sa ‘big screen’ si Manila Mayor Isko Moreno.

Sa lighting ng Christmas Tree sa Manila Hotel araw ng Miyerkules, inanunsyo ng alkalde na bahagi siya ng pelikula ni Coco Martin sa 2019 Metro Manila Film Festival na ‘3pol Trobol: Huli Ka Balbon’.

Alkalde rin mismo ang kanyang role sa nasabing pelikula.

Kwento ni Moreno, natapos na ang shooting para sa kanyang role.

Pero bukod sa pagka-miss sa pagbabalik showbiz, mas natutuwa ang alkalde na ang kanyang talent fee ay mapupunta muli sa Philippine General Hospital (PGH).

Sinabi niya umano sa movie staff na idiretso ang talent-fee sa ospital.

Lubos ang pasasalamat ni Moreno kay Coco at sa staff sa pagsama sa kanya sa pelikula.

Nakiusap naman si Moreno sa publiko na huwag bigyan ng malisya ang pagkakaroon niya ng billboards para sa endorsements.

Trabaho lang anya ito at wala naman siyang pinapakinabangan sa mga ito kahit pa singko.

TAGS: Coco Martin, Isko Moreno, MMFF, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Coco Martin, Isko Moreno, MMFF, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.