Residential area tinupok ng apoy sa Caloocan

By Dona Dominguez-Cargullo November 07, 2019 - 05:45 AM

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Barangay 69 sa Caloocan City, Huwebes (Nov. 7) ng madaling araw.

Sumiklab ang apoy pasado alas 3:00 ng madaling araw sa isang bahay sa Baltazar Street na kumalat sa katabing mga bahay na pawang gawa sa light materials.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog bago tuluyang naapula.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang natupok.

TAGS: caloocan city, fire incident, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, residential area, Tagalog breaking news, tagalog news website, caloocan city, fire incident, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, residential area, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.