BREAKING: M5.5 na lindol yumanig sa Quezon
(UPDATE) Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang lalawigan ng Quezon alas-4:52 Huwebes ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 42 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Jomalig.
May lalim ang pagyanig na 7 kilometro at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity IV – Guinayangan, Quezon
Intensity II – Marikina City; Navotas City; Quezon City
Intensity I- Muntinlupa City
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Guinayangan, Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity III – Pili, Camarines Sur; Mauban, Lopez and Mulanay, Quezon
Intensity II – Marikina City; Malolos City; Gumaca and Dolores, Quezon; Baler, Aurora
Intensity I – Iriga City; Malabon City; San Juan City; Quezon City; Pasig City; Guagua, Pampanga.
Talisay, Batangas; Palayan City
Samantala, marami ang nakaramdam ng pagyanig sa bahagi ng Makati, Pasay at Taguig.
Walang inaasahang pinsala sa ari-arian ngunit posible ang aftershocks ayon sa Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.