China nagpakawala ng warning flares sa mga eroplano ng Pilipinas
Anim na warning flares ang pinakawalan ng China laban sa military planes ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief of Staff for intelligence Maj. Gen. Reuben Basiao, pinaputok ang warning flares mula sa mga islang okupado ng China sa teritoryo mula noong Enero hanggang Hunyo.
Bukod sa warning flares, dumami pa umano ang barko ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon sa militar, bagama’t hindi sandata ang warning flares, maaari pa rin itong makapaminsala kapag direktang tumama sa aircraft.
Sa pahayag araw ng Miyerkules, sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi ‘cause of concern’ ang pagpapakawala ng warning flares ng China sa mga eroplano ng bansa.
Ayon sa kalihim, warning signal lamang ito upang ipaalam kung nasaan ang Chinese miltary at hindi naman tunay pagbabanta.
“My suspicion is that they are letting our aircraft know where they are lest our aircraft stray over them. It is just a warning to communicate where they are. Nothing more. They were never a direct threat to our aircrafts,” ani Lorenzana.
Iginiit pa ni Lorenzana na wala namang eroplano ang bansa na lumipad sa mga artificial islands ng China at hindi ito nakapigil sa patrol activities.
“There was no danger on our aircraft. None of our aircraft flew over these islands. Hence, these were not directed against our aircraft as they are about 5 nautical miles away and at an altitude of 5,000 ft distance from the artificial Islands,” dagdag ng kalihim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.