9 patay, 4 sugatan sa salpukan ng bus at van sa Camarines Sur

By Rhommel Balasbas November 07, 2019 - 02:47 AM

Courtesy of Richard Agapor Ungriano

Patay ang siyam katao sa salpukan ng pampasaherong bus at isang UV express sa Pamplona, Camarines Sur, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa pulisya, ang mga nasawi ay ang driver ng van at ang walo nitong pasahero.

Sa lakas ng banggaan, wasak at natanggal ang bubong ng van.

Samantala, sugatan ang apat na sakay ng bus na ngayon ay giangamot sa ospital.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, patungong Naga City ang van habang papuntang Maynila ang bus nang magsalpukan ang mga ito sa Maharlika Highway.

Patuloy pa ring inaalam ang sanhi ng insidente.

TAGS: 4 injured, 9 dead, bus-van collission, camarines sur, Pamplona, 4 injured, 9 dead, bus-van collission, camarines sur, Pamplona

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.