Yellow rainfall warning nakataas pa rin sa Zambales

Nakataas pa rin ang yellow rainfall warning sa Zambales.

Batay sa update ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, ito ay bunsod ng Tropical Storm Quiel.

Iiral naman ang mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan sa Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan.

Sinabi ng weather bureau na posibleng makaranas ng pagbaha sa mga mabababang lugar sa nasabing dalawang lalawigan.

Inabisuhan naman ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Office na tutukan ang lagay ng panahon.

Read more...