WATCH: PDu30-VP Leni tandem vs droga, susuportahan ng lahat – Sen. Gatchalian

Naniniwala si Senator Sherwin Gatchalian na malaki ang epekto ng sanib-pwersang operasyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo para sa war on drugs campaign.

Ito ay matapos tanggapin ni Robredo ang alok ng pangulo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon sa senador, tiyak na suportado ng lahat ng ahensya ng gobyerno ang pagtutulungan ng dalawang mataas na opisyal ng bansa para sugpuin ang ilegal na droga sa bansa.

May report si Jan Escosio:

Read more...