Malacañang nag-appoint ng bagong COA Commissioner
Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang ang appointment ni Atty. Isabel Dasalla-Agito bilang ad interim Commissioner ng Commission on Audit (COA).
Sinabi ni Executive Sec. Paquito Ochoa Jr. na pupunan ni Agito ang posisyon na iiwan ni Commissioner Heidi Mendoza na itinalaga bilang pinuno ng Internal Overight Office ng United Nations sa New York na may 5-year non-renewable term.
Bago sa kanyang pag-alis, si Mendoza ay may tour of duty na hanggang sa February 2, 2018 bilang Commissioner ng COA.
Si Agito naman ay dating nanungkulan bilang senior external auditor ng United Nation Board of Auditors kung saan maliban sa pagiging Abogado ay isa rin siyang Certified Public Accountant (CPA).
Ang bagong talagang COA Commissioner ay nanungkulan rin bilang resident auditor ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.