Malacanang handang makatrabaho sa gabinete si Robredo

By Chona Yu November 06, 2019 - 05:33 PM


INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

“Handa na rin kami”.

Ito ang naging tugon ng Malacanang sa tanong ni Vice President Leni Robredo kung handa na si Pangulong Rodrigo Duterte na makatrabaho siya bilang drug czar at italagang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinatunayan lamang ni Robredo na mas matalino siya kumpara sa kanyang mga kasamahan na una nang nagpayo sa kanya na huwag tanggapin ang pagiging drug czar.

Welcome aniya si Robredo na dumalo sa cabinet meeting sa Malakanyang.

Ayon kay Panelo, mahalaga na magkausap sina Robredo at Pangulong Duterte para mas maging malinaw at mailatag ng maayos ang kanyang mga trabaho bilang co chairman ng ICAD.

Una nang pinayuhan nina Senador Francis Pangilinan, dating Senador Erin Tanada, Antonio Trillanes IV at Congressman Edcel Lagman si Robredo na huwag tanggapin ang alok ni Pangulong Duterte dahil patibong lamang ito.

TAGS: drug czar, ICAD, Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs, Malacañang, panelo, Robredo, drug czar, ICAD, Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs, Malacañang, panelo, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.