PNP, welcome ang pagtanggap ni Robredo bilang pinuno ng ICAD
Welcome sa Philippine National Police (PNP) ang pagtanggap ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na suportado ng kanilang hanay ang bise presidente para pamunuan ang kampanya kontra sa ilegal na droga.
Patuloy aniya ang buong kooperasyon ng PNP para maabot ang target na masugpo ang droga sa bansa sa taong 2022.
Maliban sa PNP, kabilang din sa ICAD ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.