Hinihinalang lider ng robbery group, timbog sa Bohol
Arestado ang isang hinihinalang lider ng robbery group sa operasyon ng pulisya sa Getafe, Bohol Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Capt. Benicer Tamboboy, hepe ng Getafe municipal police, sa bisa ng warrant of arrest, hinuli si Virgelio Torregosa, 37-anyos, dahil sa umano’y illegal possession of firearms and explosives.
Si Torregosa ay sinasabing lider ng Torregosa robbery group na nagsasagawa ng ilegal na operasyon sa ikalawang distrito ng probinsya.
Inilabas ang arrest warrant laban kay Torregosa ni Executive Judge Azucena Macalolot-Credo ng Talibon, Bohol Regional Trial Court.
Nakuha sa suspek ang isang hand grenade, caliber 45 pistol, isang caliber 38 revolver at ilang bala.
Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Getafe Police Station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.