Halos 400 na pamilya apektado ng pag-ulan sa Claveria, Cagayan
Hindi bababa sa 400 pamilya ang apektado ng pag-ulan sa Claveria, Cagayan.
Ito ay bunsod ng pag-ulang dala ng Tropical Storm Quiel.
Sa huling datos ng Cagayan Provincial Information Office hanggang 2:00 ng hapon, nasa kabuuang 390 na pamilya ang inilikas at binaha sa lugar.
Narito ang bilang ng apektadong pamilya sa iba’t ibang barangay:
Barangay San Antonio:
– 36 pamilya ang nailikas
Barangay Capannikian:
– 15 pamilya ang nabaha
– 1 pamilya ang nailikas
Barangay Nagsabaran:
– 80 pamilya ang nabaha
Barangay Luzon:
– 100 pamilya ang nabaha
Barangay Sta. Maria:
– 6 pamilya ang nailikas
– 70 pamilya ang nabaha
Barangay Bilibigao:
– 28 pamilya ang nailikas
– 54 pamilya ang nabaha
Samantala, nagkaroon ng landslide sa bahagi ng Sta. Praxedes.
Nagsasagawa na ng clearing operation ang Task Force Lingkod Cagayan Quick Response Team sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.