Mga duktor na sumuri kay PMA cadet Darwin Dormitorio inireklamo sa PRC

Inquirer file photo

Inereklamo sa Professional Regulation Commission o PRC ng kapatid nang napaslang sa hazing ang apat na doktor ng PMA Station Hospital o PMASH na sumuri kay 4th class cadet Darwin Dormitorio.

Kabilang sa mga sinampahan ng reklamo sa PRC ni Dexter Dormitoryo, kapatid ni Darwin sina :

 

  1. Captain Flor Apple Apostol,
  2. Major Maria Beloy,
  3. Lt. Col. Cesar Candelaria,
  4. Captain Allain Saa.

Nais ng pamilya Dormitoryo na matanggalan ng lisensiya  sina Captain Flor Apple Apostol, Major Maria Beloy, Lt. Col. Cesar Candelaria, at Captain Allain Saa.

Naniniwala ang pamilya Dormitoryo na nagkaroon ng kapabayaan ang mga inirereklamong doktor kaya hindi naisalba ang buhay ni Darwin Dormitorio.

Kinuwestyon ni Dexter Dormitorio, ang naging medical assessment sa kundisyon ng kanyang kapatid.

Ayon kay Dexter, nauna nang sinabi ng mga doctor na sumuri kay Darwin na na UTI lang ang sakit nito at hematoma pero kinalaunan ay lumabas na ang pananakit ng tiyan nito, mga pasa at iba pang bugbog ay dahil sa pinagdaanan nitong hazing.

Hinala ng pamilya Dormitorio, ang mga inirereklamo nilang mga doktor din na sumuri noon kay Cadet Second Class Cedrick Gadia na unang na-diagnosed na umano’y may anemia lamang pero kalaunan ay nadiskubreng may cancer pala.

Namatay si Darwin noong September 18, makaraang sumailalim sa hazing ng kanyang mga upperclassmen sa PMA.

Kamakalawa, isinama na rin sa mga kinasuhan ang dalawang dating opisya ng Philippine Military Academy

Nagsampa ng reklamo si Dexter Dormitorio laban kina dating PMA superintendent Lt.Gen. Ronnie Evangelista af commandant of cadets Brig. Gen. Bartolome Vicente Bacarro.

Inaakusahan ang dalawa bilang mga kasabwat sa paglabag sa Anti-Hazing Law, Anti-Torture Law, at dereliction of duty sa ilaim ng Revised Penal Code.

Ibinase ng pamilya Dormitorio ang reklamo sa kasong isinampa ng NBI noong Oct. 24, 2019.

Read more...