Pamilya Veloso balik-Pinas makaraan ang emosyonal na pagbisita kay Mary Jane

By Jimmy Tamayo January 16, 2016 - 02:28 PM

Mary-jane-veloso-
Inquirer file photo

Nakabalik na sa bansa ang pamilya ni Mary Jane Veloso makaraang ang isang linggong pagbisita sa Pinay death convict sa Indonesia.

Binisita ng pamilya si Mary Jane sa kanyang kulungan sa Yogyakarta kaugnay ng 31st birthday nito noong January 10.

Kabilang sa dumating ang magulang ni Mary Jane na si Celia at Cesar Veloso at ang dalawang anak ng OFW, gayun din ang mga tauhan ng Department of Foreign Affairs at Migrante International.

Bukod sa pagdiriwang ng kaarawan, kinumusta rin ng pamilya ang takbo ng kaso laban sa recruiter ni mary jane na sina Maria Cristina Sergio at live-in partner na si Julius Lacanilao.

Tuwang-tuwa naman si Mary Jane nang makita ang pamilya lalo na ang kanyang dalawang anak.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Atty. Ed Olalia na kitang-kita nila ang kasiyahan sa mukha ni Mary Jane nang makita at mayakap ang dalawang anak.

Ayon pa kay Atty. Olalia, ang magandang resulta ng kanilang biyahe ay nang makausap niya ang mga Indonesian lawyer at kinatawan ng DFA.

Nagkasundo aniya ang magkabilang panig na pabilisin ang takbo ng kaso, “ Isa sa naging kongkretong resulta sa biyaheng ito, nagkaisa kasi – yung Indonesian lawyer ni Mary Jane, kinatawan ng DFA, ating embahada at ibang tumutulong sa kaso na i-accelerate yung takbo ng kaso sa ibat-ibang pamamaraan”.

Dagdag pa ni Olalia. “…magiging conscious talo at pigilan ang anumang mga delaying tactics na gagawin. Para sa lalong madaling panahon ay matapos na talaga ito at mapauwi na si Mary Jane”.

TAGS: indonesia, Olalia, veloso, indonesia, Olalia, veloso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.