Ani Robredo, tinatanggap niya ang appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ito ang magiging pagkakataon para mahinto na ang mga pagpatay sa mga inosente at para mapanagot ang tunay na mga may sala.
Ani Robredo, batid niyang gagawin ng administrasyon ang lahat para hindi siya magtagumpay pero handa niya itong tiisin.
Sinabi ni Robredo na hindi siya nagpapahayag ng mga pagpuna sa war on drugs nang dahil sa naghahabol siya ng puwesto.
Hindi umano niya hiniling ang maging drug czar kundi ang ideya ay galing mismo sa pangulo.
READ NEXT
Celtics wagi laban sa Cavaliers sa score na 119-113; Cavs naitala ang ika-5 sunod na pagkatalo
MOST READ
LATEST STORIES