Lisa Manoban ng Blackpink bagong celebrity endorser ng isang local clothing brand

By Jimmy Tamayo November 06, 2019 - 12:20 PM SHARE(S):

Kumpirmado na.

Ang miyembro ng Korean girl group na Blackpink na si Lisa Manoban ang bagong mukha ng local clothing brand na Penshoppe.

Una nang umugong ang balita na si Manoban ang susunod na celebrity endorser ng nasabing brand makaraang maglabas ang Penshoppe ng teaser sa kanilang social media account.

Sa kanilang Instagram, kinumpirma ng retail giant ang balita kasabay nito ang pag-post ng isang video greeting mula kay Manoban.

Ibinahagi rin ni Manoban sa kanyang IG account na @lalalalisa_m ang ilang larawan at nilagyan niya ng caption na “Let’s Rock.”

Ang Penshoppe ay kilala sa paggamit ng ilang mga international celebrities bilang endorsers gaya nina Zac Efron, Leighton Meester at Sandara Park.

TAGS: BLACKPINK, Lisa Manoban, ocal clothing brand, Penshoppe, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BLACKPINK, Lisa Manoban, ocal clothing brand, Penshoppe, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.