LOOK: Maine Mendoza nag-post ng larawan kasama si Arjo Atayde

By Jimmy Tamayo November 06, 2019 - 12:16 PM

Sa unang pagkakataon mula nang mapabalita ang kanilang relasyon, nag-post si Maine Mendoza ng larawan kasama ang boyfriend na si Arjo Atayde.

Kasabay nito ang pagbati niya para sa kaarawan ni Arjo na may pa-heart pang kasama.

Makikita sa IG post na magkahawak kamay ang dalawa sa gitna ng kalsada.

Nabatid na ang nasabing larawan ay kuha sa Taiwan.

Bagamat inamin na madalas silang mag-date ni Arjo, pambihirang pagkakataon na mag-post si Maine ng larawan na kasama ang Kapamilya actor.

Si Arjo ay nagdiwang ng kanyang ika-29 na kaarawan noong Martes, November 5.

TAGS: Arjo Atayde, Birthday, IG post, Maine Mendoza, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Arjo Atayde, Birthday, IG post, Maine Mendoza, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.