Terminal ng Baliwag Transit sa EDSA, North Ave., ipinasara ng QC Government

By Jong Manlapaz November 06, 2019 - 11:47 AM

Ipinasara ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang terminal ng Baliwag Transit sa North Avenue sa EDSA, Quezon City.

Ayon kay Mayor Belmonte, marami silang natatanggap na reklamo sa terminal na nagsasakay at nagbaba ng pasahero na nagdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

At nang kanilang suriin ang mga papeles ng terminal, lumalabas na walang permit ang nasabing terminal sa North Ave., bagkus ang ipinapakitang permit ay permit ng isang terminal nito sa EDSA Cubao.

Dahil dito lumalabas ayon kay Belmonte na peke ang mga permit na hawak ng terminal, at malinaw umano ito na isang pangloloko.

Maliban sa pagsasara ng terminal, plano rin ng QC government magsampa ng kaso laban sa pamunuan ng Baliwag dahil umano sa pamemeke ng dokumento.

TAGS: baliwag terminal, bus terminal, North Avenue, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, baliwag terminal, bus terminal, North Avenue, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.