Harry Styles maglalabas ng second solo album sa December 13

By Jimmy Tamayo November 06, 2019 - 11:38 AM

Inanunsyo ng dating miyembro ng One Direction na si Harry Styles ang ikalawa at bago niyang solo album.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Style ng cover ng kanyang album na may pamagat na “Fine Line” na nakatakdang ilabas sa December 13.

Noong isang buwan, una nang naglabas ng bagong single si Styles para sa nasabing album na may pamagat na “Lights Up.”

Kasabay nito ay nagkalat sa London at New York ang misteryosong posters na may text na “DO YOU NOW WHO YOU ARE?” na bagamat hindi binabanggit ang pangalan ng singer ay alam ng mga fans na tungkol ito sa dating miyembro ng One Direction.

Ayon sa kampo ni Styles may bagong estilo ang mapapakinggan sa album na maaaring ihalintulad sa mga naunang kanta ni Justin Timberlake.

Samantala, sa November 16 ay magiging guest host si Styles sa “Saturday Night Live.”

TAGS: december 13, Fine Line, Harry Styles, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, second solo album, Tagalog breaking news, tagalog news website, december 13, Fine Line, Harry Styles, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, second solo album, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.