700 paaralan napinsala ng lindol sa Mindanao; school building budget ng DepEd pinadadagdagan
Napinsala ng mga pagyanig ng lupa sa Mindanao ang 700 school building at 500 classrooms kaya’t sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat pang dagdagan ang school-building budget ng Department of Education (DepEd).
Aniya ang mga nangyaring trahedya ay hindi maaring mapansin ng Kongreso dahil edukasyon ng milyun-milyon kabataan ang nakasalalay.
Ayon pa kay Recto responsibilidad ng Kongreso na dagdagan ang pondo ng DepEd.
Banggit ng senador ang 2020 budget para sa pagpapagawa ng mga paaralan ay P20 bilyon lang na sobrang baba sa inihirit na P171.7 bilyon.
Sinabi na ng DepEd na 64,795 ang kakulangan sa classrooms at ang inilaan na budget ay para lang sa 8,000 silid paaralan.
Hirit pa ni Recto pinalalala pa ng mga paglindol ang problema kayat hindi naman malaking bagay kung ibibigay ang P1.6 bilyon para maayos ang mga napinsalang classrooms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.