Tropical Storm Quiel lumakas pa; halos hindi gumagalaw sa West PH Sea
Bahagya pang lumakas ang tropical storm Quiel habang halos hindi kumikilos sa West Philippine Sea.
Sa 11:00AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 465 kilometers West Southwest ng Subic, Zambales o sa 465 kilometers West Northwest ng Coron, Palawan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, mula ngayong araw hanggang bukas ng umaga, ang bagyo at ang tail-end ng cold front ay maghahatid ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Babuyan Islands, Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Antique, at bahagi ng Palawan partikular ang Cuyo Islands at Kalayaan Islands.
Mahina hanggang katamtaman ding pag-ulan ang mararanasan sa Batanes, Apayao, Ilocos Norte, Aklan, Iloilo, Oriental Mindoro, at sa nalalabing bahagi ng Cagayan at Palawan.
Samantala, isa pang bagyo na nasa labas ng bansa ang binabantayan din ng PAGASA.
Ang typhoon na may international name na ‘Halong’ ay huling namataan sa 2,960 kilometers east ng Extreme Northern Luzon.
Maliit namang ang tsansa na ito ay papasok sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.