Yellow warning itinaas ng PAGASA sa Zambales at Bataan

Patuloy na nakararanas ng malakas na buhos ng ulan ang lalawigan ng Zambales at Bataan dahil sa Tropical Storm Quiel.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 11:00 ng umaga ng Miyerkules (Nov. 6) nananatiling nakataas ang yellow warning sa Zambales at Bataan.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa Tarlac at Pampanga sa susunod na mga oras.

Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa mga flood prone areas sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...