Pagiging ‘drug czar’ hindi tatanggapin ni Robredo – LP
Hindi umano tatanggapin ni Vice President Leni Robredo ang pagkakatalaga sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘drug czar’.
Ayon kay Liberal Party Vice President for External Affairs Erin Tañada, ang gusto lang namang mangyari ng gobyerno ay “pumatay nang pumatay”.
Ani Tañada, mali ang pumatay at ramdam ni VP Robredo ang nararamdaman ng mga biktima ng batayan.
Nangangamba din si Tañada na sa paghirang kay Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay magamit siya para pagtakpan ang kabiguan ng Duterte administration na resolbahin ang problema sa ilegal na droga sa bansa.
Dagdag pa ni Tañada, ang pagpasa ni Duterte kay Robredo sa kaniyang campaign promise sa war on drugs ay mistulang pag-amin na rin ng kabiguan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.