8 pulis huli ng ‘NCRPO Red Team’ na natutulog habang naka-duty
Huli ng ‘Red Team” ang surveillance group na ipinakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang walong mga pulis na natutulog habang naka-duty.
Ayon kay NCRPO chief, Brig. Gen. Debold Sinas, apat sa walong pulis ay nakatalaga sa Makati City, dalawa sa Caloocan City at dalawa sa din sa Valenzuela City.
Hindi naman agad pinatawan ng pagsibak ni Sinas ang walo at sa halip ay pinayagan magpatuloy sa kanilang trabaho.
Inatasan lamang ni Sinas ang superior officers ng walong pulis na imbestigahan ang mga ito at pagpaliwanagin.
Hindi rin ginising ang mga pulis na nahuhuling natutulog pero kinuhanan sila ng larawan ng mga miyembro ng ‘Red Team’.
Ang walo ay nahuli na natutulog sa pag-iikot ng ‘Red Team’ mula Oct. 28 hanggang Nov. 2.
Ipinadala na sa police chiefs ng walong pulis ang mga larawan nila.
Ang ‘Red Team’ ng NCRPO ay binubuo ng mga dating tauhan ni Sinas sa Central Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.