Apat na pulis sa Boracay huling gumagamit ng cellphone sa oras ng trabaho

By Jimmy Tamayo November 06, 2019 - 10:47 AM

Apat na pulis na nakatalaga sa Boracay Island ang pinabalik sa Police Regional Office sa Western Visayas.

Ayon kay PRO-Western Visayas spokesperson Lieutenant Colonel Joem Malong, ang apat na pulis kabilang ang isang policewoman ay lumabag sa panuntunan laban sa paggamit ng cellphone sa oras ng duty.

Kaugnay nito, sinabi ni Malong na mahigpit ang paalala nila sa kanilang mga tauhan sa pagsunod sa patakaran at maging responsable sa kanilang tungkulin.

Ang apat ay papatawan ng kaukulang parusa.

TAGS: boracay, dismissed from post, four police, PH news, Philippine breaking news, Police Regional Office, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, western visayas, boracay, dismissed from post, four police, PH news, Philippine breaking news, Police Regional Office, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, western visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.