Ilang barangay sa Valenzuela City magdamag na mawawalan ng suplay ng tubig

Mayroong emergency water service interruption ang Maynilad sa Valenzuela City.

Sa abiso ng Maynila Water, mula alas 10:00 ng gabi ng Miyerkules (Nov. 6) hanggang alas 7:00 ng umaga ng Huwebes (Nov. 7) ay mawawalan ng suplay ng tubig ang sumusunod na mga barangay:

Balangkas
Catanghalan
Isla
Mabolo
Pariancillovilla
Pasolo
Polo-Poblacion
Tagalag

Ayon sa Maynilad, mayroon silang emergency repair na gagawin sa lugar.

Pinayuhan ang mga residente na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin sa nasabing mga oras.

Read more...