Vice Ganda inamin na isang taon na silang magkarelasyon ni Ion Perez

By Jimmy Tamayo November 06, 2019 - 10:32 AM

Isang taon na ang relasyon nina Vice Ganda at ni Ion Perez.

Nakumpirma ito sa isang panayam sa It’s Showtime host para sa pelikulang “The Mall, The Merrier” na entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Kasabay nito, sinabi ni Vice na masaya siya sa estado nang kanilang relasyon lalo na ang kanilang pag-amin dahil malayang-malaya sila ngayon at hindi na kailangang magtago.

Dagdag pa niya na mas na-e-enjoy na daw niya ang buhay nang walang inaalala sa sasabihin ng iba.

Sa latest Instagram post ni Vice, ibinahagi nito ng larawan nila ni Ion habang nagbabakasyon sa Japan.

Nilagyan niya ito ng caption na : “You start being happy the moment you stop giving a shit!”

Sa IG post mula sa account na pereziion27 makikita sa larawan sina Vice at Ion na kapwa nakatawa.

Mayroon itong caption na : “Ang gandang REYNA na sinayang nila na ngayon ay pag a HARI kuna siya.”

Ang “REYNA” at “HARI” ay sinasabing tawagan nina Vice at Ion.

TAGS: Ion Perez, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice-Ganda, Ion Perez, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Vice-Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.