Klase at pasok sa gobyerno sa Tacloban City suspendido sa Nov.8 para sa paggunita sa pagtama ng Super Typhoon Yolanda

Suspendido ang klase sa lahat ng antas, public at private sa Tacloban City sa November 8 araw ng Biyernes.

Sa nilagdaang executive order ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez suspendido rin ang trabaho sa gobyerno sa nasabing petsa.

May mga aktibidad na idaraos sa lungsod sa Biyernes para gunitain ang pagtama ng bagyo at alalahanin ang mga aral na natutunan ng mga residente matapos ang kalamidad.

Mananatili namang may pasok ang mga tanggapan ng gobyerno na in charge sapeace and order, emergencies, health, traffic flow at disaster management.

Ipinaubaya naman ni Romualdes sa mga pribadong kumpanya ang pagsususpinde ng trabaho sa kanilang mga nasasakupan.

Read more...