Klase at pasok sa gobyerno sa Tacloban City suspendido sa Nov.8 para sa paggunita sa pagtama ng Super Typhoon Yolanda

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2019 - 10:23 AM

Suspendido ang klase sa lahat ng antas, public at private sa Tacloban City sa November 8 araw ng Biyernes.

Sa nilagdaang executive order ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez suspendido rin ang trabaho sa gobyerno sa nasabing petsa.

May mga aktibidad na idaraos sa lungsod sa Biyernes para gunitain ang pagtama ng bagyo at alalahanin ang mga aral na natutunan ng mga residente matapos ang kalamidad.

Mananatili namang may pasok ang mga tanggapan ng gobyerno na in charge sapeace and order, emergencies, health, traffic flow at disaster management.

Ipinaubaya naman ni Romualdes sa mga pribadong kumpanya ang pagsususpinde ng trabaho sa kanilang mga nasasakupan.

TAGS: class suspension, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tacloban City, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok, class suspension, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tacloban City, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.