Nagbukas ng Botika ng Bayan sa Marikina City kung saan libreng makakakuha ng gamot ang mga residente ng lungsod.
Pinangunahan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, Department of Health (DOH) Usec Rolando Enrique Domingo, at DOH Regional Dir. Corazon Flores ang pagbubukas ng kauna-unahang Botika ng Bayan sa NCR.
Matatagpuan ang Botika ng Bayan sa ikaapat na palapag ng City Health Office at bukas mula Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Para makakuha ng libreng gamot, kailangan ay residente ng Marikina City at dapat may dalang reseta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.