POEA binalaan ang publiko sa mga pekeng account sa Facebook na nag-aalok ng trabaho

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2019 - 09:59 AM

Nagbabala sa publiko ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) laban sa mga pekeng POEA accounts na nag-aalok ng trabaho online partikular sa Facebook.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia may mga ipinakakalat na job vacancies aboard sa Facebook kabilang ang sa Australia, Canada, Germany, Japan, New Zealand, at Estados Unidos.

Pero ayon kay Olalia, hindi totoong galing sa POEA ang naturang mga anunsyo hinggil sa job vacancies.

Kabilang sa mga pekeng Facebook accounts na ginagamit ang POEA ay ang mga sumusunod:

POEA Job Hirings in New Zealand
POEA Jobs Online
OFW POEA Jobs Abroad
POEA Jobs Abroad
POEA Job Hiring USA
POEA Job Hiring Australia
POEA Job Hiring UK
POEA Job Agency Hiring
POEA Trabaho Abroad Hiring
POEA Jobs in Dubai
Work Abroad-POEA Licensed Company
POEA Accredited Licensed Agency

Sinabi ni Olalia na base sa mga reklamong kanilang natanggap, ang FB page na “POEA Job Hirings in New Zealand” ay nagpo-post ng ng job vacancies para sa kumpanyang Honda sa New Zealand target ang mga OFWs.

Pero nakipag-ugnayan sa POEA ang Honda para pabatid na sila na mayroong recruitment

activity sa Pilipinas o iba pang bansa.

Payo ni Olalia sa publiko, ang bisitahin lamang ay ang official website ng POEA na facebook.com/poea.gov.ph

Pinapayuhan ang mga aplikante na tumawag sa POEA para kumpirmahin ang mga nababasang job offer.

Maaring tumawag sa POEA hotline na 8722-1144 at 8722-1155.

 

TAGS: job vacancies, PH news, Philippine breaking news, POEA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, job vacancies, PH news, Philippine breaking news, POEA, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.