Isa patay, isa sugatan sa shooting incident sa Bacolod City

By Jimmy Tamayo November 06, 2019 - 09:47 AM

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa sa shooting incident sa Barangay Banago, Bacolod City.

Kinilala ang nasawi na si Mark Alob, 29 anyos at residente ng Purok Lilang sa nasabing barangay habang ang nasugatan ay nakilalang si Ryan Albarico, 33 anyos ng Purok Kawayan.

Ayon sa Bacolod City Police Office (BCPO) nakatayo lamang si Alob sa sidewalk nang barilin ng suspek sa hindi malamang dahilan Martes (Nov. 5) ng umaga.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek na nakilalang si Fritz Diosanta, 29 residente ng Purok Baybayon.

Nadamay naman sa pamamaril si Albarico.

Ang dalawang biktima ay isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital pero si Alob ay hindi na umabot ng buhay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam ang motibo sa pamamaril.

TAGS: ambush, bacolod city, one dead, ambush, bacolod city, one dead

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.