2 ISIS supporters napatay sa Lanao del Sur

By Den Macaranas January 16, 2016 - 01:19 PM

Philippine Marines cross an intersection to avoid a sniper fire during a standoff for the second day Tuesday Sept. 10, 2013 as about 200 Muslim rebels, enraged by a broken peace deal with the Philippine government, held scores of hostages as human shields at the southern port city of Zamboanga, in southern Philippines. More battle-ready troops and police were flown to the southern port city of Zamboanga in a bid to end the crisis. The troops have surrounded the Moro National Liberation Front guerrillas with their hostages in four coastal villages since the crisis erupted Monday. (AP Photo/Bullit Marquez)
Ap photo

Dalawang pinaniniwalaang taga-suporta ng ISIS ang napatay sa barilan sa bayan ng Buadiposo-Bundong sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Kinilala ni Col. Roseller Murillo, Commander ng 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army na nakabase sa Marawi City ang mga napatay na sina Alexander sultan at Aiman Sultan.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, namataan umano ng ilang mga residente sa lugar ang grupo ng mga armadong suspect kaya’t kaagad nila itong isinumbong sa Barangay official na si Panundan Sultan.

Kaagad na rumesponde ang grupo ng naturang opisyal ng Baranggay na nauwi sa ilang minutong barilan kung saan napatay ang dalawang suspects.

Bukod sa mga armas, nabawi rin sa mga napatay ang ilang bandila ng ISIS.

Kaugnay nito, nagsasagawa ngayon ng pursuit operations ang mga tauhan ng Militar sa bayan ng Buadiposo-Buntong para tugisin ang ilan pang mga pinaniniwalaang ISIS supporters sa lugar.

TAGS: Buadiposo-Butong, ISIS, Lanado del Sur, Buadiposo-Butong, ISIS, Lanado del Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.