Joint resolution upang magamit ang pondo sa rice subsidy para ipangtulong sa mga magsasaka pasado na sa 2nd reading sa Kamara

By Erwin Aguilon November 06, 2019 - 08:50 AM

Nakalusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang joint resolution na nagpapahintulot sa gobyerno na direktang bumili ng palay sa mga magsasaka.

Sa ilalim ng House Joint Resolution No. 22 pinapayagan ang gobyerno na gamitin ang natitirang P6.97-billion na rice subsidy fund sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ngayong 2019 para ipambili ng palay mula sa mga magsasaka at aktwal na bigas imbes na cash ang ipamimigay sa mga benepisyaryo.

Kapag tuluyang naipasa ng Kongreso, ililipat sa National Food Authority (NFA) ang nabanggit na pondo na kasalukuyang nakapaloob sa budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gagamitin ng gobyerno ang pondo para bilhin sa halagang P19 kada kilo ang palay ng local farmers.

Nauna nang inaprubahan ng Senado ang sariling bersyon nito ng joint resolution.

 

 

TAGS: 2nd reading, farmers, House of Representatives, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rice subsidy, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2nd reading, farmers, House of Representatives, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Rice subsidy, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.