Yellow warning nakataas pa rin sa Zambales

Patuloy na nakararanas ng malakas na buhos ng ulan ang lalawigan ng Zambales.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga ng Miyerkules (Nov. 6) nananatiling nakataas ang yellow warning sa Zambales.

Maaring makaranas ng pagbaha sa mga flood prone areas sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Samantala, nagpalabas muli ng thunderstorm advisory ang PAGASA para sa Laguna, Batangas at Quezon.

Sa abiso na inilabas alas 8:10 ng umaga ang tatlong lalawigan ay makararanas pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa susunod na mga oras.

Read more...