38 arestado sa buy-bust operation sa Bacoor City

By Dona Dominguez-Cargullo November 06, 2019 - 08:26 AM

Arestado ang aabot sa 38 katao magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Bacoor City sa Cavite.

Kabilang sa nadakip ang isang 26 anyos na ginang na bagong panganak lamang at residente ng Barangay Niog 1.

Nakumpiska sa bahay ng naturang ginang na si alyas “Mary Joy” ang isang pouch na naglalaman ng P200,000 na halaga ng shabu.

Ayon kaky Ayon kay Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City police, si Mary Joy na mayroong limang anak ay itinuturing nilang high-value target ang suspek.

Dalawang buwan ang nakararaan nang isilang ni “Mary Joy” ang ikalimang anak niya at ng kaniyang construction worker na mister.

Aminado naman si “Mary Joy” sa kaniyang ginagawa na aniya ay pandagdag lang sa pangtustos nila sa mga anak.

Maliban kay “Mary Joy” naaresto din sa kaniyang bahay ang 6 na iba pa na huli sa akto sa kasagsagan ng drug session.

Nitong nagdaang mga araw, magdamagang nagsasagawa ng operasyon kontra ilega na droga ang Bacoor City police kung saan umabot na sa 38 ang naaresto.

Sa mga ikinasang operasyon ay umabot sa halos P500,000 halaga ng nakumpiskang ilegal na droga.

TAGS: bacoor city, buy bust, cavite, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, bacoor city, buy bust, cavite, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.